Alam nyo puko…ang Nagcarlang ay may sangkatutak na katangiang kaiba kahit sa mga karatig bayan niya. O kundima’y, maging sa maraming mga bayan na rin. Kalimitan ng tao ngay'oy hindi na napapansin areng pinagsasasabi ko. Minsan la’ang nama’y naiisip ko na maige din pala namang mayrong pagkakakilanlan. Kayamanan din puko iyon! Hindi na la’ang kasi namumuwangan ng marami ay! Pasalamat ako't inabutan ko pa. Naaare pa naman ang karamihan. Wag na la'ang sanang mawal'an ng malasakit ang taga Nagcarlang na pahalagahan are.
Mantakin mo….dine na la’ang may patay na kalabaw araw-araw. Prito la’ang masarap na’y…..iadobo mo pa sa gata, aydi lalo na!
Saan baga sila natutong kumain ng bayawak? Pulutan la’ang dati ya'an sa mga barikan, masarap kaulam sa lambanog. Pero paglaon nang matikman, madami na din ang naka-ibig.
Yang minukmok? Alam ng madami ang paggawa nya'an, dati. Sa dami baga namang niyugan ay di….. pangkaraniwan na la’ ang ang paggawa nya'an. Sa ngay'on, nalipol na ang mga masisipag mag-minukmok. Iba na nga din ang tawag sa minukmok ngay'on, ay!
Pagka-Biyernes ng umaga sa Sinipian…..gusto mo ng kinabog, maruya, aminudong tagalog, galang-galang, suso at pako, bibingka, tinalampakan, sagimis, turihas, puto-bumbong, at pati alpahor? Binayo? Ay mayron din no’on!
Papuntang Sinipian, tan-aw mo sa tabi ang Balay-balay, di baga? Masarap lumublob dya’an pag mabanas. Madaming paliguan sa mahabang ilog ng Talahibing. Mula villa Mercedes, villa semento, tapatan, laguerta, banahaw, Real, burubok, tu-ong, hanggang forebay ay preskong puntahan. May kalamigan ang tubig kaya magpapahinga ka la’ang muna bago ka sumuno. Tanggalin muna ang pangangalos ng paglalakad, kasi'y nga'y sa lamig ng tubig ay baka naman samain ka sa pasma. Sabagay, kalat naman ang mga hilot dya'an. Langis la’ang ng niyog ang ihahaplos dya’an.....lipas na agad! Yun nga la’ang, mura ang aabutin mo sa hilot…at sasabihin…"tampalasan ka sa katawan mo kasi'y!"
Ang langis ni Na Pilang, tanda mo? ay, ang alay pagpapagamot kay doctor Manok, tanda mo pa baga? Wag na la’ang natin silang pag-usapan kasi’y wala na naman sila pareho pero si Na Ner, pwede pang sadyain. May mga ganap pa din sa templo sa ibayew. Pumaron ka’t malalaman mo. Sa pagpunta mo kay Na Ner, maaari ka ring suminsay sa paliguan sa Yukos. Karamdaman kamo? …hugas ya’an do’on! Kadalasang nagpupunta diya’y mga Batangasin. At kung gusto mo pa ng ibang kinakasihan......dumiretso ka pa sa Maiit, sa Na Flora.
Kapagka-Linggo naman sa MH. Sumusuba ang mga taga-itaas. May mga baong kalakal. Magaganda’t sariwa ang mga dalang gulay at prutas. Tingi man o kaya’y pakyaw…pag napaubos na’y sila naman ang mamamalengke. Araw ng pamamarian nila ang Linggo. Ika nila: “Pag ga-medyo naka-agno, pangpasar ang dala pasaka hindi paalat la’ang". Kaugalian na nila yan ay. Maige nga’t hindi pa nawawala.
Nakakadanas ka pa bagang sumakay sa skeyts sa Calumpang pa-Manaol? Minsan ay gawin mo nang maalala mo. Hindi la’ang maalala kundi para makasarap ka sa ligayang dulot no’on. Atuhan mo la'ang ulit!
Ibig mo ng Minane? Kahit bola-bolang kamoteng-kahoy? Sa bayan…mayron nya'an. Lako o sa mga tapat-bahay la’ang.
Hindi ako naghahambog. Walang kabalbalan dito. Hindi ito imek la’ang! Tunay lahat ang iniuusap ko. Atuhan mong puma-Nagcarlang at nang madanasan mo.
O ngay-on, pa-Nagcarlang ka na baga?

No comments:
Post a Comment